Inalis na sa pwesto ang hepe ng Daraga Police Station, matapos ang pananambang kay Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Police Chief Arnel Escobal, Police Regional Office 5 o PRO 5 regional director, ni-relieve bilang chief of police ng Daraga si Police Supt. Benito Dipad Jr.
Ang magsisilbing acting chief naman ay si Police Supt. Dennis Balla.
Ayon kay Escobal, mariin nilang kinokondena ang nangyari at sana’y wala nang sumunod pang mapatay.
Patuloy naman aniya ang imbestigasyon sa krimen.
Walang kinalaman sa ilegal na droga ang pananambang kay Batocabe. Pero ayon kay Escobal ay posibleng politika ang motibo ng ambush.
Sisiyasatin din kung ang New People’s Army ang nasa likod ng krimen.
Sinabi ni Escobal na kabilang sa mga titingnan ng mga otoridad ay ang mga taong nagpa-selfie kay Batocabe.