20 katao, nasawi sa volcanic tsunami sa Indonesia
Hindi bababa sa dalawampung katao ang nasawi habang nasa isang daan at animnapu’t lima ang sugatan sa pagtama ng “volcano tsunami” sa Indonesia.
Naganap ang tsunami dakong 9:30 ng gabi, local time sa naturang bansa.
Karamihan sa mga namatay ay naitala sa Pandeglang, South Lampung at Serang regions.
Maraming mga bahay at establisimyento ang nawasak dahil sa tsunami.
Batay sa disaster management agency ng Indonesia, ang tsunami ay posibleng “undersea landslides” matapos pumutok ang Anak Krakatoa volcano.
Pinangangambahan namang tumaas pa ang death toll dahil marami pa umano ang nawawala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.