Mga pasahero, dagsa pa rin sa mga bus terminal
Dalawang araw bago ang Christmas Day, dagsa pa rin ang mga tao sa iba’t ibang bus terminals sa Metro Manila.
Sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, maraming pasahero ang nagbabaka-sakaling makasakay ng mga bus na pauwing probinsya.
Pero halos lahat ng mga biyahe ay fully booked na, gaya ang mga patungong Bicol, Leyte at Samar.
Gayunman, ang pila ng chance passengers, patuloy na humahaba.
Batay sa Quezon City Police District o QCPD, as of 8:30 ng umaga ay nasa 1,800 ang crowd estimate sa Araneta Bus Terminal.
Ngunit inaasahang dadami pa ang mga tao sa terminal hanggang mamayang hapon.
Maaga namang nag-inspeksyon si National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar sa Araneta Bus Terminal.
LOOK: Sitwasyon sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City. Mga biyahero, dagsa pa rin sa terminal. Pero fully booked na ang karamihan sa mga biyahe ng bus.
Mga larawan, kuha ni Juan Bautista. #Christmas2018 pic.twitter.com/nbMXG6uzpa
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 23, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.