Top 6 most wanted drug suspek ng Antipolo patay sa engkwentro

By Rhommel Balasbas December 23, 2018 - 05:24 AM

Nasawi sa engkwentro ang top 6 most wanted drug suspect ng Antipolo City na sinasabing sangkot din sa mga insidente ng panghoholdap at carnapping sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Marcus Santos alyas ‘Macoy’ na aktibo sa pagbebenta ng bawal na gamot.

Ayon kay Supt. Villaflor Banawagan ng Antipolo Police, nagkasa ng buy bust operation ang mga awtoridad laban kay Santos.

Gayunman, nang makatunog na pulis ang kanyang mga katransaksyon ay nagpaputok ito ng baril dahilan para gumanti ang mga pulis ng putok at kanyang pagkasawi.

Sinabi pa ni Banawagan na talagang sangkot ang suspek sa carnapping at robbery.

Nanawagan ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa pulisya para maaresto rin ang iba pang most wanted sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.