Hindi bababa sa 16 patay sa pagsabog sa Somalia
Nasawi ang hindi bababa sa 16 katao habang higit 20 ang sugatan sa pagsabog na naganap malapit sa presidential palace sa Somalia.
Ayon kay Police Capt. Mohamed Hussein, kabilang sa mga nasawi ay tatlong staff ng isang London-based TV station, kabilang ang prominenteng mamamahayag na si Awil Dahir Salad.
Sugatan din sa pagsabog ang mambabatas at deputy mayor ng Mogadishu.
Inako ng al-Qaida linked extremist group na Al-Shabab ang terror act.
Tinarget ng bomber ang checkpoint malapit sa rear entance ng presidential palace ayon sa pulisya.
Ang Al-Shabab ay ang pinakaaktibong extremist group sa sub-Saharan Africa na kalimitang target ay ang Mogadishu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.