Bomb threat sa Metro Manila hindi totoo ayon sa NCRPO
Nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director Guillermo Eleazar na hindi totoo ang mga kumakalat na post sa social media ukol sa bomb threat sa Metro Manila.
May mga kumakalat na ulat kasing mayroon umanong planong pagpapasabog ang isang extremist group mula sa Lanao Del Sur ngayong holiday rush.
Sa isang panayam, sinabi ni Eleazar na walang kumpirmadong impormasyon ukol sa nasabing banta.
Lahat umano ng mga impormasyong natatanggap ng otoridad ay bineberipika pa.
Gayunman, nagpaalala si Eleazar sa publiko na sakaling may makasalamuhang kahina-hinalang tao, agad itong ipagbigay-alam sa mga otoridad.
Nasa heightened alert ang buong pwersa ng PNP ngayon panahon ng kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.