G-20 leaders, nagka-isa sa pakikiramay sa France
Sama-samang kinondena ng mga pinuno ng 20 pinaka-makapangyarihang mga bansa sa mundo ang naganap na mga serye ng pag-atake sa Paris, France.
Halos dalawang araw matapos ang Paris attack, nagtipon-tipon sina US President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin pati na ang iba pang mga lider sa Turkey para sa G-29 summit.
Nagkasundo ang mga nasabing lider na makiisa sa France at mas paiigtingin ang kani-kanilang mga border controls at aviation security.
Una nang nangako si French President Francois Hollande na mangunguna ng “merciless” war laban sa Islamic State group na umako sa karumal-dumal na pag-atakeng kumitil ng 129 na buhay at ikinasugat ng 352 na iba pa.
Bukod sa world leaders, maraming bansa ang nakiramay sa France sa pamamagitan ng kani-kanilang tribute tulad ng pagaalay ng mga bulaklak at kandila para sa mga namatay, pag-awit at pagpapatugtog ng mga classic French songs at ang pagpapa-ilaw ng mga sikat na lugar na may kulay na red white and blue, na siyang kulay ng watawat ng France.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.