Balota para sa BOL plebecite naimprenta na ng Comelec

By Jimmy Tamayo December 22, 2018 - 11:24 AM

Inquirer file photo

Natapos na ang pagpapa-imprenta sa mga balotang gagamitin para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite, ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na sa loob lamang ng tatlong araw ay nakumpleto na ang imprenta sa nasa 2.8 milyon na balotang gagamitin sa plebisito sa susunod na taon.

Ayon kay Jimenez natapos na rin nila ang beripikasyon sa mga balota at sa unang pasok ng 2019 ay ipadadala nila ito sa mga lugar na saklaw ng panukalang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kinabibilangan ito ng bayan ng Isabela sa Basilan, Cotabato City at Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato at mga lalawigan sa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang BOL plebiscite ay idadaos sa Enero 21, 2019 sa nasabing maging lugar at sa Pebrero 6, 2019 sa may 103 pang mga lugar na layong isailalim sa BOL.

TAGS: ARMM, Ballot, BOL plebiscite, comelec, jame jimenez, ARMM, Ballot, BOL plebiscite, comelec, jame jimenez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.