Eroplano na may lamang mga balota nag-crash sa Congo Republic
Kumpirmadong bumagsak ang isang cargo plane na maghahatid sana ng mga election materials para sa presidential elections sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa National Electoral Commission ng nasabing bansa, nag-crash ang eroplano 35 kilometro ang layo mula sa syudad ng Kinshasa at patay lahat ang pito katao na sakay nito.
Ang cargo plane na inupahan ng komisyon para maghatid ng election paraphernalias sa syudad ng Tshikapa at unang napaulat na nawawala nitong Biyernes.
Nagiging malimit umano ang plane crash sa nasabing bansa sa kakulanan ng safety standards sa kanilang aviation industry.
Ilang linggo namang naantala ang halalan doon na nakatakda sa December 30 sanhi ng iba’t ibang dahilan gaya ng logistical problem at maging ang kilos protesta ng ibat-ibang grupo na ikinasawi na ng 100 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.