Pagdurog sa Road Board tuloy na ayon sa pangulo

Inquirer file photo

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoong nakausap niya sina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Naging sentro ng kanilang pulong ang Road Board pati na ang Road User’s Tax na kinukuha sa nasabing tanggapan.

Sinabi ng pangulo na malinaw ang kanyang posisyon na gusto niyang buwagin na ang Road Board at posibleng mali anya ang pagkakaunawa dito ni Andaya.

Sa Simula pa lamang ng kanyang termino noong 2016 ay binanggit na ng pangulo na gusto niyang lusawin ang naturang ahensya dahil pinagmumulan lamang ito ng katiwalian.

Maraming mga pulitko ang nakikisawsaw sa pondo ng ng ahensya pero hindi naman ito napapakinabangan ng publiko ayon pa kay Duterte.

Kamakailan lamang ay lumabas sa ulat ng Commission on Audit ang pangalan ng ilang mga kongresista at senador na humihingi ng pondo sa Road Board para pondohan ang kani-kanilang mga proyekto.

Nakiisa naman ang liderato ng Senado sa paniniwala ng pangulo na panahon na para buwagin ang nasabing ahensya.

Read more...