DOTr: Lahat ng airport personnel isasalang sa mahigpit na background check

By Den Macaranas December 22, 2018 - 08:39 AM

Inquirer file photo

Magdaragdag ng security protocol ang Manila International Airport Authority (MIAA) para sa kaligtasan ng publiko sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay bilang pagsunod sa naging rekomendasyon ng Transport Security Administration (TSA) ng US.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagsagawa ng ilang buwang assessment sa procedures, personnel at maging sa security equipment ng paliparan ang TSA mula September 26 hanggang December 5.

At base sa kanilang rekomendasyon ay sinabi ng TSA na kailanga ng “enhancement” sa security protocol kasama na dito ang pagsilip ng husto sa background ng mga bumubuo sa airport security team.

Bukod sa NBI at Police clearance, dadaan na rin sa backsgound check ng National Interlligence Coordinating Agency (NIC) ang lahat ng mga bibigyan ng MIAA all access pass.

Sinabi ng DOTr na bibili rin sila ng dagdag na mga CCTVs at fire alarms para sa lahat ng terminals ng NAIA.

Pati ang mga tauhan ng mga tindahang nasa loob ng paliparan ay dadaan rin sa mahigpit na security background bilang pagsunod sa rekomendasyon ng TSA.

TAGS: MIAA, monreal, NAIA, nica, protocol, security team, tsa, MIAA, monreal, NAIA, nica, protocol, security team, tsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.