LPA sa loob ng bansa, mababa pa rin ang tyansang maging bagyo

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng bansa.

Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 690 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Mababa pa rin ang tyansa na maging ganap na bagyo ang LPA.

Ngayong araw, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Metro Manila at CALABARZON dahil sa Amihan.

Sa nalalabing bahagi naman ng Central Luzon at ang Ilocos Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mahihinang pag-uulan dahil pa rin sa Amihan.

Sa buong MIMAROPA, Bicol Region, buong Visayas at CARAGA region ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa epekto ng LPA.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas naman ng magandang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Read more...