Mga partido sa bullying incident sa Ateneo nakapulong na ng school officials

By Rhommel Balasbas December 22, 2018 - 03:02 AM

Screengrab from viral video

Nagbigay ng update si Ateneo President Fr. Jose Ramon Villarin, SJ, tungkol sa ginagawang imbestigasyon sa bullying incident na naganap sa Ateneo Junior High School.

Sa isang statement, sinabi ni Villarin na nakaharap na ng Committee on Discipline ng paaralan ang dalawang partidong sangkot sa insidente ng bullying na naganap noong December 18.

Giit ni Villarin, dedesisyunan ang kaso sa lalong madaling panahon at ipapaalam ito sa buong komunidad.

Matatandaang nauna nang sinabi ng school official na hindi nito palalampasin ang kawalang-asal sa kanilang paaralan at tutol sila sa anumang karahasan.

Ang video ng pambubully ng isang estudyanteng taekwondo practitioner sa kapwa niya mga kamag-aral ay nag-viral sa social media at umani ng samu’t saring mura at batikos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.