Volume ng sasakyang dumadaan sa EDSA kahapon makapal na

By Rhommel Balasbas December 22, 2018 - 02:14 AM

Umabot sa mahigit 402,000 ang bilang ng mga sasakyang dumaan sa EDSA hapon ng Biyernes ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay General Manager Jojo Garcia, kumakapal na ang volume ng mga sasakyan sa naturang lansangan bagaman hindi pa maituturing na ‘carmageddon’.

Lampas na sa kalahati ang bilang ng mga sasakyan sa kapasidad ng EDSA na 200,000 lamang.

Ayon kay Garcia, bumagal sa 14 kilometro kada oras ang daloy ng trapiko sa EDSA mula sa karaniwang 19 kilometro bawat oras.

Ani Garcia, kung hindi nila kayang pabilisin ang daloy ng trapiko, nais nilang pagalawin man lamang at hindi mahinto sa trapiko ang mga motorista.

Patuloy ang pagsisikap ng MMDA na kahit paano ay gumalaw ang trapiko sa major road.

Sa katunayan ay ipinatupad ang ‘no day off, no leave’ policy ng MMDA personnel ngayong Kapaskuhan at nagdeploy din ng 182 na traffic enforcers.

Ngayong weekend inaasahang marami pa rin ang uuwi sa mga probinsya para ipagdiwang ang Pasko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.