Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Lim na ginawang parang impyerno ng ilang mga kabataan noon ang kanyang buhay.
Kwento niya, dahil sa pagiging introvert noon, wala siyang kaibigan at naranasan niyang mabugbog at duraan ng kapwa mga bata.
Nang sinubukan niya anyang magsalita ay nagresulta pa ito lalo sa pambubugbog sa kanya at dumating sa puntong tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg kaya’t nanatili na lamang siyang tahimik.
Bukod dito, naranasan din ni Lim na umiyak sa harapan ng klase habang pinagtatawanan at kinukutya ng mga kamag-aral.
Dahil sa naturang mga insidente, sinabi ng aktor na mayroong pagkakataon na nagsinungaling siya sa kanyang ina na siya ay may sakit para lamang hindi makapasok sa eskwelahan.
Dahil dito, hinikayat ni Lim ang mga biktima ng bullying na huwag manahimik hindi tulad niya sa naging kanyang mga karanasan.