Magulang ng isa sa mga biktma ng pambu-bully sa Ateneo dumulog sa QCPD

By Jong Manlapaz December 21, 2018 - 08:49 PM

Screengrab from viral video
Dumulog na sa pulisya ang magulang ng isa sa mga estudyante na nabiktima ng pambu-bully sa Ateneo De Manila University.

Nagpa-blotter sa station 9 ng Quezon City Police District ang magulang ng isa sa mga estudyante na nasa viral video at binu-bully ng kapwa estudyante.

Ayon kay QCPD station 9 Commander Supt. Cipriano Galanida, nagtungo sa kanilang Women and Children’s Desk ang mga magulang ng batang na-bully para magpa-blotter.

Hindi naman na tinukoy ni Galanida ang pakakakilanlan ng mga complainant.

Hindi rin naman kasi maaring pangalanan ang biktima dahil sa pagiging menor de edad.

TAGS: Ateneo De Manila, Bullying, Radyo Inquirer, Ateneo De Manila, Bullying, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.