Mga pasahero dumagsa na sa mga pantalan Biyernes pa lamang ng umaga
Umabot sa mahigit 70,000 mga pasahero ang bumiyahe sa mga pantalan sa bansa Biyernes (Dec. 21) ng umaga.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali kanina, umabot sa 72,556 ang naitalang bilang ng mga bumiyaheng pasahero.
Pinakamaraming bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Western Visayas na umabot ng 14,548; sinundan naman ito ng mga pantalan sa Northern Mindanao na nakapagtala ng 12,324 na mga pasahero at ikatlo ang mga pantalan sa Southern Tagalog na umabot sa 10,971 ang mga pasahero.
Marami ring pasaherong bumiyahe sa Central Visayas (10,649); Bicol (7,934); South Eastern Mindanao (6,946); Palawan (5,676); Southern Visayas (4,893); Southwestern Mindanao (4,851); NCR (2,948); Eastern Visayas (747); North Western Luzon (543) at Western Leyte (46).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.