Mga botante para sa BOL plebiscite hindi oobligahing magpakita ng ID

Hindi na kakailanganing magpakita ng ID ng mga botante para sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), sa araw ng botohan, hindi na hiningian ng ID ang mga botante.

Sinabi ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez, kasabay ng isinagawang paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng Comelec, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), at Bangsamoro Transition Commission (BTC) para sa ikakasang information drive hinggil sa BOL.

Ani Jimenez, karaniwang naitatanong sa kanila ay kung kakailanganin ba ng ID para makaboto sa plebiscite.

Dahil dito, sinabi ni Jimenez na sinabihan na nila ang kanilang mga tauhan sa field na ipaliwanag sa publiko na hindi na kailangan ng ID.

Kailangan lang aniya na magtungo sa polling area, doon ay iche-check ang kanilang pangalan kung sila ay rehistradong botante, ang kanilang precinct number at tatanungin lang sila kung kailan ang kanilang birthday.

Ang BOL plebiscite ay gagawin sa January 21 hanggang February 6, 2019.

Read more...