Insidente ng pambu-bully dapat aksyunan ng Ateneo ayon sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 03:32 PM

Pinaaaksyunan ng Malakanyang sa Ateneo De Manila University ang umano ay insidente ng bullying na naganap sa loob ng paaralan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nabahala siya matapos niyang mapanood ang viral video.

Dapat aniyang imbestigahan ng Ateneo ang nasabing insidente at gumawa ng hakbang hinggil dito.

Maari din kasi aniyang may nagtulak sa estudyante para siya ay magalit at gawin ang pananakit o pag-atake sa kapwa-estudyante.

Ayon kay Panelo hindi kailanman dapat hayaan na may nagaganap na pambu-bully sa loob ng paaralan.

TAGS: Ateneo De Manila, bullying incident, Radyo Inquirer, Ateneo De Manila, bullying incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.