Sandiganbayan pinayagan si Cong. Floirendo na bumiyahe sa labas ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 02:06 PM

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ni Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. na makabiyahe papuntang Hong Kong.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, pinayagan ang motion to travel ni Floirendo mula Dec. 27 hanggang January 2, 2019 papuntang Hong Kong para ipagdiwang holiday season kasama ang kaniyang pamilya.

Unang sinabi ni Floirendo na nakakuha na rin siya ng travel authority mula kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kaniyang inilakip sa mosyon niya sa anti-graft court.

Ayon sa mambabatas hindi naman siya flight risk at tiyak na babalik siya ng Pilipinas na pinatunayan na niya ng ilang beses sa mga nagdaan niyang biyahe.

Si Floirendo ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan dahil sa financial interest nito sa Joint Venture Agreement sa pagitan ng Tagum Agricultural Development Authority (TADECO) at Anflo Management and Investment Corporation para sa pagpaparenta ng lupain ng Davao Penal Colony.

TAGS: Cong Floirendo, Davao Del Norte, sandiganbayan, Cong Floirendo, Davao Del Norte, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.