Pangulong Duterte nagtalaga ng mga bagong envoy sa Middle East, European at African countries
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Raul Hernandez bilang bagong Philippine ambassador to Turkey.
Bago ang paghirang, si Hernandez ay naninilbihan bilang envoy ng Pilipinas sa South Korea.
Sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Duterte, sakop din ng hurisdiksyon ni Hernandez bilang Ambassador sa Turkey ang Georgia at Azerbaijan.
Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte si Edward Fereira bilang special envoy to Kazakhstan sa loob ng anim na buwang termino.
Si Alex Chua naman ay hinirang bilang ambassador ng Pilipinas sa Kenya.
Sasakupin ng hurisdiksyon ni Chua ang Burundi, Comoros, Congo, Malawi, Rwanda, Seychelles, Somalia, Tanzania, Uganda at South Sudan.
Habang si Leah Ruiz na dating Philippine Envoy to Lebanon ay itinalaga bilang ambassador sa Poland.
Sasakupin rin ni Ruiz ang Ukraine, Latvia at Lithuania.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.