Halos P1/L ang ipatutupad na rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo

Posibleng umabot sa halos piso kada litro ang ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Jetti Petroleum sa kanilang pagtaya, nasa pagitan ng 85 centavos hanggang 90 centavos kada litro ang mababawas sa presyo ng diesel.

80 centavos hanggang 85 centavos naman ang posibleng bawas sa kada litro ng gasolina.

Maari pa namang mabago ang nasabing presyo depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

Ipatutupad ang rollback pagpasok ng susunod na linggo kaya magandang pamaskong regalo ito sa mga motorista.

Read more...