US tutulong sa France para mahuli ang mga nasa likod ng pag-atake

By Mariel Cruz November 15, 2015 - 07:22 PM

President Barack Obama talks on a conference call from the Oval Office with service members in Liberia and Senegal taking part in Operation United Assistance, the U.S. military campaign to contain the Ebola virus outbreak at its source, Nov. 1, 2014. (Official White House Photo by Pete Souza)
(Official White House Photo by Pete Souza)

Inilarawan ni United States President Barack Obama ang karumal-dumal na serye ng pagpatay na kumitil sa buhay ng mahigit isandaang katao sa Paris, France na isang pag-atake sa “civilized world”.

Bahagi ito ng naging pahayag ni Obama sa joint news conference kasama ang Turkish President na si Tayyip Erdogan sa Turkey.

Bagaman inako na ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang pag-atake sa Paris, tiniyak ni Obama kay French President Francois Hollande na makikipagtulungan ang US sa France upang mahuli at mapanagot ang mga nasa likod ng insidente.

Siniguro rin ni Obama na mabibigyan ng sapat na hustisya ang mga naging biktima ng marahas na pangyayari sa naturang bansa.

Nasa Turkey si Obama upang dumalo sa Group of 20 Top Economies o G20 Summit kung saan kabilang sa nakatakdang talakayin ay ang kaguluhan sa Syria.

Matapos ang G20 Summit, didiretso na sa Pilipinas si Obama para naman sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders Meeting.

TAGS: parisattack, parisattack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.