VIRAL: Road rage incident; bus driver nawalan ng malay matapos masuntok ng SUV driver

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 11:42 AM

Grab from FB

Viral ngayon sa social media ang video ng isang road rage incident na naganap sa bahagi ng Camachile Road sa Quezon City.

Ang video ay inupload sa Facebook ng netizen na may user name na “Audilon Bolinas”.

Sa nasabing post sangkot sa road rage ang driver ng bus na sinasakyan ng kumuha ng video at isang lalaking driver ng kulay puti na Fortuner.

Sa umpisa ng video, nagtatalo na ang dalawang driver kaya hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng kanilang away na nangyari noong Dec. 20, alas 11:00 ng umaga.

Matapos ang insidente, nawalan ng malay at hindi na kumikilos ang driver ng bus.

Nagkamalay din naman ito kalaunan ang pero halatang hirap itong kumilos at nakitaan din ng dugo sa kaniyang mukha.

Ayon sa driver ng Fortuner, kaligtasan lamang ng kaniyang pamilya na noon ay sakay niya sa SUV ang kaniya inalala.

Siya din umano ang unang sinaktan ng bus driver at pinagtanggol lang ang kaniyang sarili.

Kita rin sa video na nakahandusay na ang bus driver ay hinawakan pa ito at pilit pinatatayo ng SUV driver.

Sa loob ng 16 na oras matapos maiupload ang unang video, umabot na sa 4.1 million ang views nito.

TAGS: bus driver, fortuner driver, Radyo Inquirer, suv, viral video, bus driver, fortuner driver, Radyo Inquirer, suv, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.