U.S. Defense Sec. Jim Mattis nagbitiw na sa pwesto
Nagbitiw na sa kaniyang pwesto si U.S. Defense Secretary Jim Mattis isang araw matapos ipag-utos ni U.S. President Donald Trump na bawiin na ang mga tropla ng Amerika sa Syria.
Sa kaniyang liham kay Trump, sinabi ng 68 anyos na Pentagon chief na ang kaniyang pananaw sa pulitika ay hindi na tumutugma sa pananaw ng presidente.
Ani Mattis, karapatan ni Trump na kumuha ng defense sectary na ang mga pananaw at opinyo ay tutugma sa kaniyang mga naisin.
Bago pormal na ilabas ang resignation letter ni Mattis, nag-tweet pa si Trump at sinabing magreretiro na si Mattis sa Pebrero.
Ani Trump, malaki ang naitulong sa kaniya ni Mattis kasabay ng pagsasabing papangalanan niya ang magiging susunod na secretary of defense.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.