7,800 na pulis ipinakalat sa Metro Manila ngayong holiday season
Halos 8 libong mga pulis ang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para magpanatili ng kapayapaan ngayong Christmas at New Year Holiday.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Eleazar ang nasa 7,800 na mga pulis ay inatasang tiyakin ang seguridad sa mga mall, simbahan at transportation hubs.
Ani Eleazar, bahagi ito ng anti-criminality effort ng NCRPO para ang mga bahay at establisyimento sa Metro Manila na maiiwan ngmga pamilyang magbabakasyon ay matiyak na ligtas at hindi mapapasok ng mga kawatan.
Sinabi ni Eleazar na sa nakalipas na tatlong taon, kapag “ber months” ay tumataas talaga ang krimen.
Pero nitong nagdaang tatlong buwan, may bahagyang pagbaba sa naitalang krimen sa Metro Manila kumpara noong January to August, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.