LOOK: Mga saradong kalsada sa Parañaque City para sa MMFF parade sa Dec. 23

By Jimmy Tamayo December 21, 2018 - 09:13 AM

Sarado sa mga motorista ang ilang mga kalsada sa Paranaque City sa Linggo, December 23.

Ito ay para sa parada ng 2018 Metro Manila Film Festival.

Bukod sa walong float ng mga pelikulang kalahok sa taunang festival inaasahan na makikiisa din sa okasyon ang pamahalaang lungsod ng Paranaque na siyang host ngayong taon.

Ang Parade of Stars ay magsisimula sa Soreeno St. Patungo sa Dr. A. Santos Ave., hanggang sa Ninoy Aquino Ave., at kakaliwa sa Kabihasnan, kakanan sa Quirino Ave., at kaliwa sa MIA/NIA Road at kanan sa Macapagal Blvd. at kaliwa sa Bradco Ave.

Ang parada ay mag-uumpisa ganap na ala-1:00 pm na pangungunahan ng float ng mga hosts ng event gaya nina Phoemela Baranda, Kim Molina, at Shalala.

Base naman sa ginawang palabunutuan, mauuna ang float ng pelikulang Fantastica ng Star Cinema na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Susundan ito ng OTLUM, Aurora, Rainbow’s Sunset, Mary, Marry Me, The Girl in the Orange Dress, Jack Em Popoy at One Great Love.

Ang Gabi Ng Parangal ay itinakda sa ‪December 27 sa The Theater ng Solaire.

ROADS CLOSED TO TRAFFIC (Dec. 23 by noontime):
1. Along Quirino Ave from Kabihasnan to MIA Road
2. Along Kabihasnan from Dr. A. Santos to Quirino Ave
3. Along Dr. A Santos Ave, Westbound lane
4. Along MIA Road, Westbound lane
5. Along Macapagal Road, Northbound lane

ROADS WITH COUNTERFLOW:
1. Along Dr. A Santos Ave. (Eastbound) from Sorena Ave (Shopwise) to Kabihasnan
2. Along MIA Road (Eastbound) from Quirino Ave to Macapagal Blvd
3. Along Macapagal Blvd (Southbound) from Mia Road to Bradco
4. Along Airport Road (two way traffic from Roxas Blvd to Domestic Road ‪from 1pm)

TAGS: MMFF, paranaque city, Traffic Advisory, MMFF, paranaque city, Traffic Advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.