Umabot sa mahigit 60,000 pasahero ang bumiyahe sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa sa nakalipas na magdamag.
Sa datos ng Philippine Coast Guard sa kanilang Oplan Biyahe Ayos: Pasko 2018, mula alas 6:00 ng gabi kagabi, hanggang alas alas 12:00 ng madaling araw kanina nakapagtala ng 40,810 na mga pasahero.
Habang mula naman alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga kanina ay umabot sa 21,423 ang naitalang pasahero sa mga pantalan.
Kabilang sa mga pantalan na nakapagtala ng mga bumiyaheng pasahero ay sa
Laguna De Bay sa NCR; Cebu at Bohol sa Central Visayas; Coron, Palawan; Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, at Occidental Mindoro sa Southern Tagalog; Aklan at Iloilo sa Western Visayas; Davao sa South Eastern Mindanao; Sorsogon, Albay at Masbate sa Bicol; Surigao Del Norte, Lanao Del Norte, Misamis Occidental, at Zamboanga Del Norte sa Northern Mindanao; Western Leyte at Northern Samar sa Eastern Visayas; Negros Oriental at Negros Occidental sa Southern Visayas.
Ayon sa Coast Guard nananatiling payapa ang sitwasyon sa mga pantalan sa bansa.