Rizal Park inendorso ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray bilang pangunahing tourist destination

By Ricky Brozas December 21, 2018 - 08:43 AM

Radyo Inquirer File Photo | Isa Umali

Labis na ikinagalak ng pamunuan National Parks Development Committee (NPDC) ang ginawang pag-endorso ni Miss Universe Catriona Gray sa Rizal Park bilang pangunahing ‘tourist destination’ ng Pilipinas.

Ayon kay NPDC executive director Penelope Belmonte, nagtungo si Gray sa Luneta Park at gumawa ng video taped endorsement nang walang kapalit.

Nai-feature aniya sa nasabing video ang Luzon at Luneta ang ipinakita sa pagsisimula nito.

Nabatid na personal na tinanggap ni Belmonte si Gray sa pagbisita nito sa Rizal Park kung saan natalakay nila ang iba’t ibang topic gaya ng turismo at mga personal nilang adbokasiya.

Ikinatuwa ni Belmonte na may mga inaalagaang kabataan si Gray mula sa mahihirap na komunidad ng Tondo dahil siya man ay may mga sarili ding inaalagaan na street children.

Umaasa si Belmonte na muling makadalaw si Gray sa Luneta upang makapiling ang mga mahihirap na batang inaalagaan ng NPDC sa pamamagitan ng mga pangunahing pangangailangan at day care teaching.

TAGS: Catriona Gray, National Parks Development Committee, Rizal Park, Catriona Gray, National Parks Development Committee, Rizal Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.