Ipapangalan sa pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at kay General Antonio Luna ang dalawang missile-armed frigates para sa Philippine Navy.
Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang dalawang barkong pandigma ay ginagawa na ng South Korean shipbuilder Hyundai Heavy Industries.
Unang nagpirmahan ang gobyerno ng Pilipinas at ang Hyundai ng P16 bilyong kontrata para sa dalawang barko at kakailangan pa ng karagdagang P2 bilyon para sa ‘weapon systems at munition.’
Ibinahagi ni Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad na noong Setyembre 17 isinagawa ang ‘steel cutting’ para sa ikalawang frigate at sinundan ito ng ‘keel-laying’ sa unang barko noong Oktubre 16 sa Ulsan, South Korea.
Inaasahan na sa 2020 ay mapapasakamay na ng Philippine Navy ang unang frigate at sa 2021 naman ang pagdating sa bansa ng pangalawang barko.
Ang naunang dalawang frigates ng PN ay bininyagan na BRP Tarlac at BRP Davao.