NLEX nakapagtala na ng maraming bilang ng mga sasakyan simula Biyernes ng umaga

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 08:24 AM

NLEX Photo

Maagang nagsikip ang daloy ng traffic North Luzon Expressway dahil sa dami ng mga bumibiyaheng motorista.

Ayon sa NLEX Corporation, alas 4:22 pa lang ng umaga ng Biyernes, Dec. 21 nakaranas na ng pagbabagal sa daloy ng traffic sa Mindanao Toll Plaza.

Pagsapit ng alas 5:54 ng umaga bumagal na rin ang traffic sa bahagi ng Balintawak at umabot sa Camachile ang tail end ng mga sasakyan.

Maging sa Mindanao Toll Plaza ay humaba na rin ang pila ng mga sasakyan.

Alas 7:10 naman ng umaga sinabi ng NLEX Corporation na mabagal ang daloy ng traffic sa Balintawak patungo ng A. Bonifacio, gayundin sa Mindanao Toll plaza dahil sa volume ng mga sasakyan.

Ngayong araw na ito, pinayuhan ng pamunuan ng NLEX ang mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya dahil tiyak na maraming motorista ang bibiyahe na pauwi sa mga lalawigan.

TAGS: Holiday rush, NLEX, Radyo Inquirer, traffic, Holiday rush, NLEX, Radyo Inquirer, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.