9 na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga arestado sa buy-bust sa Cavite

Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa General Trias sa Cavite.

Target ng operasyon ang isang hinihinalang drug pusher, pero nang dumating ang mga pulis sa Barangay San Francisco, nadatnan ang walong iba pang kasamahan ng suspek.

Naaktuhan ang mga itong gumagamit ng ilegal na droga.

Nakuha sa kanila ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang siyam na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...