Riot sumiklab sa pagitan ng grupo ng mga kabataan sa kasagsagan ng Simbang Gabi sa Malabon

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 07:58 AM

Nabulabog ang mga dumadalo sa misa sa Simbang Gabi sa San Bartolome Church sa Malabon City.

Ito ay makaraang sumiklab ang riot sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan habang idinaraos ang misa.

Nagbatuhan ang tinatayang nasa 30 mga kabataan sa compound ng simbahan.

Bagaman nagpatuloy ang misa, ang mga nagsisimba na sa labas ng simbahan nakapwesto ay natakbuhan dahil sa takot na madamay sila sa gulo.

Ang San Bartolome Church sa Malabon ay isa sa mga simbahan sa lungsod na tinututukan ng PNP dahil sa mga nagkakainitang kabataan.

TAGS: Malabon, Radyo Inquirer, riot, Simbang Gabi, Malabon, Radyo Inquirer, riot, Simbang Gabi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.