2 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga patay sa engkwentro sa Calamba City, Laguna

Police banner
Patay ang dalawang drug suspect matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Calamba City sa Laguna.

Ikinasa ang operasyon laban sa dalawang suspek na hinihinalang sangkot din sa panghoholdap at pagnanakaw ng mga motorsiklo sa lungsod.

Nakatunog umano ang dalawa na pulis ang kanilang katransaksyon kaya nanlaban ang mga ito dahilan para paputukan sila ng mga otoridad.

Nakuha sa kanila ang isang sachet ng shabu, dalawang baril at motorsiklong hinihinalang kanilang ninakaw.

Read more...