Batang nangangaroling patay matapos ma-hit and run sa Pasig

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 07:42 AM

Inquirer file photo
Patay ang isang pitong taong gulang na batang nangarolong lamang matapos masagasaan sa Brgy. Rosario sa Pasig City.

Nakita sa CCTV na nagbibilang ng kaniyang pera mula sa pangangaroling ang batang si Miguel nang siya ay masagasaan at makaladkad pa ng AUV.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang bata.

Agad namang tumakas ang AUV matapos ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kuha ng CCTV para mahuli ang tumakas na driver.

Sinabi naman ng mga opisyal ng barangay na paiigitingin nila ang pagbabantay sa mga kalsada lalo ngayong maraming mga bata ang nangangaroling sa gabi.

TAGS: accident, AUV, hit and run, pasig, accident, AUV, hit and run, pasig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.