Biyahe ng mga eroplano sa paliparan sa London, naparalisa dahil sa drone
Naantala ang biyahe ng mga eroplano sa Gatwick Airport sa south London dahil sa drone.
Ayon kay Defence Minister Gavin Williamson, napwersa ang mga otoridad na ikansela ang lahat ng biyahe ng eroplano sa 2nd-biggest airport sa Britain.
Isang malaking drone kasi ang mataang lumilipad sa paliparan.
Sinabi naman ng pulisya na walang indikasyon na paghahasik ng terorismo ang motibo sa insindente.
Tinatanang mahigit 115,000 ang mga naapektuhang pasahero.
Ilang pasahero naman ang anim na oras nanatili sa loob ng na-stranded na eroplano.
Hinahanap na ngayon ang nasa likod ng pagpapalipad ng drone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.