Ilang mga bahagi ng Masbate at Bohol binaha dahil sa mga pag-ulang dala ng LPA

By Rhommel Balasbas December 21, 2018 - 03:10 AM

Courtesy of Rainier Bognot

Nalubog sa baha ang ilang mga lugar sa Masbate at Bohol dahil sa walang-tigil na pag-ulan na dala ng low pressure area (LPA).

Sa mga larawang ipinadala ni Rainier Solibaga Bognot sa Radyo INQUIRER, makikitang tila parang naging ilog na ang mga lansangan sa Dimasalang, Masbate dahil sa pag-uulan.

May peligro ring dala ang lakas ng agos ng tubig-baha sa naturang bayan.

Ayon kay Bognot, pinasok ng tubig ang Municipal Agriculture Office at lubog sa baha ang Barangay Canomay, Poblacion, Gaid at G. Aliño.

Samantala, lubog din sa tubig ang Barangay Lobogon at Guinsularan sa Duero, Bohol.

Ayon kay Kagawad Jeffrey Peligro, walang-tigil ang ulan na kanilang naranasan mula pa lamang alas-5:00 ng umaga hanggang tanghali kahapon.

Nagmistulang lawa ang mga lupang pansakahan sa Lobogon habang abot-bewang naman ang baha sa Guinsularan.

Ayon naman kay Peligro, walang nasaktan sa pagbaha na nagsimula nang humupa.

Binaha din ang Barangay Poblacion Sur sa bayan ng Batuan at ang ilang mga rice fields sa Barangay Lungsod-daan sa bayan naman ng Candijay.

Nagdala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang LPA sa Visayas at Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.