Sa susunod na taon na aaksyunan ng Department of Justice (DOJ) ang inihaing apela ni Australian missionary Sister Fox para baliktarin ang deportation order ng Bureau of Immigration (BI) sa kanya.
Ayon kay DOJ Spokesperson Markk Perete, hindi pa matatalakay ng kagawaran ang petisyon ni Fox dahil katatanggap lamang nila ng memorandum nito.
Anya, sa ngayon ay mas tututukan ng DOJ ang mga urgent petitions na kailangang maresolba.
Matatandaang binawi ng BI noong Hulyo ang missionary visa ni Sr. Fox dahil sa umano’y ulat na nakikiisa ito sa mga partisan activities sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES