Petron muling nasungkit ang PSL All-Filipino Crown

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, nakuha ng Petron ang kampeonato para sa Philippine Superliga All-Filipino Finals kahapon sa Filoil Flying V Center.

Hindi na nakapalag pa ang F2 Logistics sa defending champions sa iskor na 25-22, 26-24, 25-23.

Dahil dito, ito na ang ikaapat na league title ng Blaze Spikers na lampas na sa Cargo Movers na mayroong tatlo.

Para kay Bernadeth Pons, ibang klase ang hirap na pinagdaanan ng kanilang koponan para maipanalo ang laban na ito.

Nanguna si Aiza Manzo-Pontillas para sa Petron sa kanyang 13 puntos at nakapagdagdag naman si Pons ng 11 puntos.

Sina Cruz-Behag at Ara Galang naman ay may tig-10 puntos para pangunahan ang F2 Logistics.

Read more...