Opisyal nang lumipat sa Kapuso Network si Kiray Celis.
Sa isang Instagram post ng GMA Artist Center, makikita na pumirma na ng kontrata si Celis sa GMA Network.
Matatandaang sumikat si Celis dahil sa children comedy show ng ABS-CBN na ‘Goin’ Bulilit’ kung saan siya ay tampok mula 2005 hanggang 2009.
Bumida rin si Celis sa mga teleseryeng ‘Mara Clara’, ‘100 Days to Heaven’, ‘Growing Up’, ‘Sana Dalawa ang Puso’ at iba pa.
Sa paglipat ng dating child star sa GMA, kasama ito sa mga cast ng drama series na ‘Luv U 2’.
Bida sa teleserye sina Jennyln Mercado at Gabby Concepcion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.