Kilos-protesta ng grupo ng mga lumads sa APEC, kasado na

By Isa Avendaño-Umali November 15, 2015 - 05:06 PM

lumad apec rally
Larawan mula kay YUJI VINCENT GONZALES/INQUIRER.NET

Walang atrasan ang kilos-protesta ng humigit-kumulang pitong daang Lumads sa panahon ng APEC leaders meeting.

Ito’y sa kabila ng rally ban na paiiralin ng Philippine National Police, habang isinasagawa ang APEC 2015 sa Metro Manila.

Ayon sa Manilakbayan Lumad group, hindi sila matitinag ng ginawang pagbabawal ng pamahalaan sa pagsasagawa ng kilos-protesta.

Inalmahan naman ng mga Lumad ang pagharang umano sa kanila ng limang daang pulis, papasok at paalis ng Baclaran church sa Paranaque City noong Sabado.

Anila, malinaw na ‘repression’ ang ginawa sa kanila ng mga pwersa ng PNP.

Nauna nang nagkampo sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila ang mga Lumad na mula pa sa Mindanao.

Pangunahing binabatikos ng Lumad group ang pagpatay at panghaharass sa mga katutubo, at pagpapaalis sa kani-kanilang lupain.

TAGS: APECsummitprotest, APECsummitprotest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.