M4.7 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-11:02 kagabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 23 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 24 na kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman inaasahan ang aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian bunsod ng lindol.

Read more...