Ateneo nag-iimbestiga na sa pambu-bully ng isa nilang Taekwondo team member

By Den Macaranas December 20, 2018 - 06:45 PM

Tiniyak ng pamunuan ng Ateneo de Manila University na hindi nila palalampasin ang ginawang pananakit ng isa sa kanilang mga high school student sa kanyang mga kapwa mag-aaral.

Viral ngayon sa social media ang pananakit ng isang high school student na miyembro ng kanilang Taekwondo team.

Sa Video ay makikita ang kanyang ginawang pananakit sa mga kapwa mag-aaral at ang ilan dito ay pilit pa niyang pinaluluhod para hindi masaktan.

Kasabay ng pagkalat ng video at kaliwa’t kanang mga mura at batikos ang tinanggap ng nasabing menor-de-edad na mag-aaral.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni Ateneo Junior High School Principal, Jose Antonio P. Salvador, na mayroon na silang imbestigasyon na ginagawa.

Umapela rin siya sa publiko na huwag ikalat sa social media ang video dahil nalalantad dito ang buong pagkatao ng mga sangkot sa nasabing pananakit na pawang mga menor-de-edad.

“Not only has the privacy rights of these minors been breached but it has also provoked some reactions that do little to help the school in dealing appropriately with the incident,” dagdag pa ni Salvador.

Kamakailan lang ay nabalot ng kontrobersiya ang nasabing unibersidad makaraan ang umano’y kaso ng gang rape sa isa nilang mag-aaral na nangyari sa mismong loob ng kanilang campus

TAGS: Ateneo, Ateneo Junior High School Principal, bully, Jose Antonio P. Salvador, taekwondo team, Ateneo, Ateneo Junior High School Principal, bully, Jose Antonio P. Salvador, taekwondo team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.