Rehabilitasyon ng Manila Bay sisimulan na sa Enero

By Den Macaranas December 20, 2018 - 04:17 PM

Radyo Inquirer

Isusunod na ng Department of Environment and Natural Resources ang Manila Bay rehabilitation project.

Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na target nilang linisin ang Manila Bay para buhayin ang swimming activities doon.

Base sa pag-aaral ng mga eksperto, sinabi ni Cimatu na masyadong mataas ang coliform content ng tubig sa Manila Bay kaya delikado ito sa kalusugan ng mga tao.

Bukod sa industrial wastes, lumilitaw sa pag-aaral ng DENR na masyadong mataas ang fecal coliform sa nasabing karagatan.

Sa kalagitnaan ng buwan ng Enero inaasahang sisimulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay ayon pa sa kalihim.

Isang dekada na ang nakalilipas nang maglabas ng mandamus ang Supreme Court sa labingtatlong ahensya ng pamahalaan na dapat ay magtulong-tulong para sa pagsasa-ayos ng kundisyon ng tubig sa Manila Bay.

Kinabibilangan ito ng DENR, Metro Manila Development Authority; Departments of Environment and Natural Resources (DENR); Education; Health; Agriculture-Bureau of Fisheries; Public Works and Highways; Budget and Management; Interior and Local Government; Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Maritime Group, Philippine Ports Authority, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at Local Water Utilities Administration – to clean up.

Bago ang rehabilistasyon sa Manila Bay ay uunahin munang alamin ng DENR ang mga estero na posibleng pinagmumulan ng dumi na tumatapon sa nasabing karagatan.

TAGS: cimatu, dener, estero, Manila Bay, rehabilitation, cimatu, dener, estero, Manila Bay, rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.