Mas matinding trapik sa Edsa bukas ibinabala ng MMDA

Inquirer file photo

“Carmaggedon…”

Ito ang taguri ng Metropolitan Manila Development Authority sa inaasahang mas matindi pang trapik sa kahabaan ng Edsa habang papalapit ang Pasko.

Ayon sa MMDA, dapat ay mahaba ang pasensya ng mga motorista na babagtas sa Edsa lalo na bukas December 21 na huling Biyernes ngayong Holiday Season kung kailan mas marami pang tao ang nasa mga kalsada.

Bukas umano ang huling hirit para sa Christmas shopping at parties kaya dapat maghanda sa tinatawag na carmaggedon o maraming sasakyan at tao sa lansangan na magreresulta sa matinding trapik.

Sa kabila ng nakaambang perwisyo, sinabi ng MMDA na naka full-alert ang kanilang mga tauhan para tumulong sa daloy ng trapiko.

Idinagdag pa ng ahensya na ang inaasahang traffic speed sa Edsa bukas ay aabot lamang sa 12 kilometers per hour.

Ang takbo ng mga sasakyan na bumibiyahe sa Metro manila ay patuloy na bumabagal simula pa noong Nobyembre.

Noong November 22 ay nasa 16 kilometers per hour ang traffic speed pero noong December 13 ay usad pagong na ang mga sasakyan sa Edsa sa 14 kilometers per hour.

Read more...