Vice President ng Indonesia, dadalo sa APEC summit

indonesia vp
Photo from Jakarta Post

Dadalo si Indonesian Vice President Jusuf Kalla sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders Meeting sa bansa sa susunod na linggo bilang kinatawan ni President Jokowi Widodo na una nang nag-abiso na hindi makakarating.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario at sinabing mas bibigyang pansin ni Widodo ang domestic issues sa Indonesia.

Ayon pa kay Del Rosario, malugod na tatanggapin ng bansa ang partisipasyon ni Kalla sa APEC at naniniwala siya na maraming maibabahagi ang bise presidente sa mga pag-uusapang issue sa leaders meeting.

Kilala si Widodo na mapili sa mga dadaluhan na international multilateral summits at mas binibigyan prayoridad nito ang mga domestic concerns.

Bukod kay Widodo, hindi rin makakadalo sa APEC meeting ang Russian President na si Vladimir Putin samantalang kumpirmado naman na makakarating sina United States Pres. Barack Obama, Japanese Prime Minister Shinzo Abe ay Chinese Pres. Xi Jinping.

Ipinaliwanag naman ni Del Rosario na ang hindi pagdalo ng mga lider ng Russia at Indonesia ay nangangahulugang hindi na importante ang APEC.

Isa ang Indonesia sa mga miyembro ng 10-nation bloc kabilang na ang Pilipinas, Thailand, Malaysia, Singapore, Brunei, Vietnam, Cambodia, Laos at Myanmar.

Read more...