Yellow rainfall warning nakataas sa ilang lugar sa Mindanao

Inalis na ng PAGASA ang umiiral na orange rainfall warning sa ilang lugar sa Mindanao.

Sa 11:00AM heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, yellow warning level na lang ang nakataas sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa pag-ulan na nararanasan dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lugar:

• Dinagat Islands
• Surigao del Norte
• Siargao Islands
• Surigao del Sur (Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, Tandag City)
• AgusandelNorte (Jabonga, CabadbaranCity)
• Agusan del Sur (Sibagat)

Posible pa ring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar dahil sa nararanasang pag-ulan habang landslides naman ang maaring maranasan sa mga bulubunduking lugar.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

Read more...