Paris attack, “inhuman at piecemeal World War III” – Pope Francis

By Isa Avendaño-Umali November 15, 2015 - 04:07 PM

Aug 6 pope inq file
Inquirer file photo

“Inhuman at piecemeal World War III.”

Ganito inilarawan ni Pope Francis ang karumal-dumal na pag-atake sa ilang lugar sa Paris, France na ikinamatay ng mahigit isang daang katao.

Sa ulat ng Catholic News Agency, sinabi ni Pope Francis na labis siyang nasasaktan sa sitwasyon ngayon sa France.

Ayon sa Santo Papa, patuloy niyang ipagdarasal ang mga biktima ng terrorist attacks, at kanilang mga naiwang pamilya.

“I am close to the people of France, to the families of the victims, and I am praying for all of them” ani Pope Francis.

Nagpadala na rin ng telegram si Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin kay Cardinal Vingt-Trois, sa ngalan ni Pope Francis.

Nakasaad dito ang mariining pagkondena ng Pontifex sa karahasan sa France, na hindi naman solusyon sa anumang bagay.

Hinimok din ni Vingt-Trois ang mga Katoliko na ipanalangin ang mga namatay sa terrorist attacks.

TAGS: parisattack, parisattack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.