Japanese national arestado sa pamemeke ng mga dokumento
Arestado ang isang Japanese national dahil sa pamemeke ng mga dokumento ng mga ibinibentang lupain.
Kinilala ang suspek na si Misao Koyama, 59 na taong gulang.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto si Koyama matapos magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Tokyo Interpol at Immigration Fugitive Search Unit sa isang lugar sa kahabaan ng Gil Puyat sa Makati.
Ayon kay Morente, humingi ng tulong ang Tokyo Interpol sa immigration bureau matapos matukoy na nagtatago sa bansa si Koyama na sinasabing leader ng isang sindikato sa Japan.
Modus umano ng grupo ni Koyama ang pamemeke sa mga dokumento ng mga lupain para maibenta ng walang kaalam alam ang tunay na may-ari.
Bilyun-bilyong Yen ang nakuha ni Koyama sa mga nabiktima nito.
Sa ngayon ipinoproseso na ang deportasyon ni Koyama para hrapin sa Japan ang mga patung-patong na kasong nakasampa laban sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.