25,000 illegal parking violators naitala ng MMDA sa loob ng 11-buwan

Radyo Inquirer File Photo | Jomar Piquero

Sa loob ng 11-buwan mula Enero hanggang Nobyembre 2018, nakapagtala ang MMDA ng 25,000 na illegal parking violators.

Ang nasabing bilang ay nahuli sa pamamagitan lamang ng no-contact apprehension policy ng MMDA.

Hindi pa kasama sa bilang ang mga nahuhuling ilegal na nakaparada sa araw-araw na ginagawang clearing operations ng ahensya sa mga pangunahing lansangan.

Ayon sa datos ng MMDA, pinakamaraming naitalang lumalabag sa kahabaan ng EDSA kung saan humihimpil ang mga sasakyan sa gilid ng kalsada.

Una rito, sinabi ng MMDA na tataasan na nila ang multa para sa mga sasakyang mahuhuling ilegal na nakaparada.

Simula sa January 7, P1,000 na ang multa sa mga sasakyang ilegal na nakaparada pero mayroong driver sa loob.

Kung unattended naman ang sasakyan o iniwanan ng driver, P2,000 na ang multa.

At para sa road obstruction, P1,000 na ang multa mula sa dating P150 lamang.

Read more...